1–2 minutes

Matagumpay na naarestado ang isa sa Most Wanted Person (Regional Level) sa kasong Rape sa pinagsamang pwersa ng Tanauan City CPS at Batangas MARPSTA, SOU 3 nitong Hulyo 19, 2023 sa Brgy.Poblacion 3, Tanauan City.

Sa ulat ni Batangas PPO, Provincial Director, PCOL SAMSON B BELMONTE kay PRO CALABARZON, Regional Director, PBGEN CARLITO M GACES, pinangalanan ang akusado na si Teotimo Ramirez y Ramirez @ “Tiyotemo Ramirez y Maguiat”, 33 anyos, may asawa, construction worker at tubong Brgy Poblacion 5, Laurel, Batangas at kasalukuyang nakatira sa Brgy. East Bajac Bajac, Olangapo City, Zambales.

Nangyari ang krimen noong Oktubre 1, 2014 kung saan ginahasa niya ang biktima sa Brgy Luyos, Tanauan City, Batangas.

Naaresto ang suspek sa naturang lugar sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Rerional Trial Court Branch 6, Tanauan City na may petsang March 10, 2015 para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.

“Asahan po ninyo na ang inyong kapulisan ay patuloy sa kampanya sa pagsugpo ng mga ganitong krimen. Kung mayroon po kayong impormasyon na makakatulong sa pagkaka aresto ng mga suspek, wag pong mag atubili na ipagbigay alam sa mga awtoridad” – PCOL BELMONTE
###piobatangasppo###
#TeamPIO



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending