1–2 minutes

Ang Rizal Police Provincial Office sa pamumuno ni Provincial Director PCOL DOMINIC L BACCAY ay nagsagawa ng accounting at security deployment briefing sa mga Civil Disturbance Management (CDM) contingents at Reactionary Standby Support Force (RSSF) na binuo ng Rizal PPO para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr na gaganapin sa lunes.

Pinangunahan ni PMAJ JOEL L ALVAREZ, Chief, Provincial Operations and Management Unit ang nasabing aktibidad upang masiguro ang kahandaan nito sa agarang deployment at security na makakatulong sa pagkakaroon ng payapa at maayos na pagdaos ng SONA 2023.

Muli rin namang pinaalalahanan ng kapulisan ang komunidad sa ipapatupad na Gun Ban mula July 24, 2023 sa ganap na 12:01 AM hanggang 12:00 MN upang maging ligtas at mapayapa ang pagsasagawa ng nasabing aktibidad.

Sa mensahe ng butihing direktor na si PCOL BACCAY, aniya na basta sama-sama ay kayang-kaya na magkaroon ng isang payapang SONA 2023. Ang kapulisan at ang suporta ng mamamayan ay siyang magiging dahilan ng ligtas at maayos na lipunan.

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#teameffortkalingangrizalpnp



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending