2–3 minutes

Binisita ng Social Security System (SSS) ang 33 establisymento sa Cavite at Laguna dahil sa kanilang paglabag sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.

Sa ginanap na Run After Contribution Evaders (RACE) Operations, nag-isyu ng written notices ang SSS upang balaan sila sa epekto ng hindi pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang empleyado.

“Kung mapatunayang lumabag sila sa batas, maaari silang makulong ng hindi bababa sa anim na taon at isang araw at hindi hihigit sa 12 taon. Magbabayad pa sila ng multa ng hindi bababa mula P 5,000 hanggang P 20,000. Hangga’t maaari ay ayaw naming umabot sa puntong ito dahil nais lang naman namin na bayaran nila ang past-due contributions ng kanilang empleyado,” sabi ni Acting Division Head Edwin S. Igharas.

Hinikayat rin ng SSS ang mga employers na bayaran ang kanilang obligasyon sa SSS sa ilalim ng Contribution Penalty Condonation Program kung saan, maaari silang magbayad ng installment hanggang 48 na buwan, depende sa halaga ng kanilang delinquency.

Sa tatlong magkakasunod na RACE Operations sa bayan ng Binan, Calamba, at Tagaytay nitong buwan ng Hunyo, higit 10 milyong piso ang makokolekta ng SSS mula sa mga delingkwenteng employers. Ilang araw lamang matapos ang RACE Operations, nakakalap na ang SSS ng humigit-kumulang sa kalahating milyong pisong kabayaran sa delinquency ng mga napuntahang establisyemento.

“Sa tulong ng programang ito, babalik sa good standing ang status ng mga employers na ito. Higit sa lahat, maaari na ring mag-qualify ang kanilang mga empleyado sa iba’t-ibang benepisyo at pribilehiyo mula sa SSS.”, dagdag pa ni Igharas.

Ang mga Social Security (SS) benefits na maaaring ma-avail ay sickness, maternity, disability, retirement, unemployment, death at funeral. Mayroon ding loan programs tulad ng salary at calamity loan. Maliban sa mga nabanggit na SS benefits at loans, maaari ring makakuha ng Employees’ Compensation (EC) benefits kung ang pagkakasakit, natamong pinsala o pagkamatay ng miyembro ay konektado sa kanilang trabaho.

Inilahad din ni Igharas na epektibo ang isinasagawang RACE Operations sa lalawigan ng Laguna, Quezon, at Cavite dahil sumusunod ang karamihan sa mga nakakatanggap ng written notice mula sa SSS dahil sa pangamba na maaari silang masampahan ng kaso at makulong dahil sa hindi pagrerehistro ng kanilang negosyo, hindi pagrereport ng kanilang empleyado, at hindi pagreremit ng SS at EC contributions ng kanilang empleyado.

“Kung sakaling hindi pa rin umaksyon ang employer sa loob ng 15 araw mula nang matanggap ang written notice mula sa SSS, ieendorso sa Operations Legal Department ang mga naturang employers upang sampahan sila ng kaukulang kaso,” pahayag ni Igharas.



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending