1–2 minutes

Arestado ang tatlong Most Wanted Person Regional Level sa Manhunt Operation ng Laguna PNP kahapon Hulyo 27, 2023.

Kinilala ni Police Colonel HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO ang mga akusado na si Alyas Domingo residente ng Bay, Laguna, Shawlin at Al kapwa residente ng Siniloan, Laguna.

Naaresto si alyas Domingo sa Manhunt Operation ng Santa Cruz PNP sa ganap na 8:27 ng gabi Hulyo 27, 2023 sa Villa Silangan Subdivision, Brgy. San Pablo Sur, Santa Cruz, Laguna sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 19, Cauayan City, Isabela sa kasong Statutory Rape (2counts) na walang nirerekomendang pyansa.

Arestado din si alyas Shawlin sa manhunt operation ng Siniloan PNP sa ganap 1:20 ng hapon Hulyo, 27, 2023 sa Brgy. Wawa, Siniloan, Laguna sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 33, 4th Judicial Region, Siniloan, Laguna sa kasong Rape na walang nirerekomendang pyansa.

Samantalang sa isa pang manhunt operation ng Siniloan PNP ay naaresto si alyas Al sa ganap na 2:10 ng hapon sa Brgy. J. Rizal, Siniloan, Laguna sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 33, 4th Judicial Region, Siniloan, Laguna na walang nirerekomendang pyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng naturang operating units ang mga arestadong akusado samantalang iimpormahan naman agad ang korteng pinagmulan ng warrant of arrest sa pagkaaresto nito.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Patuloy ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng Manhunt Operation laban sa mga nagtatago sa batas para mabigyan ng hustisya ang kanilang biktima. Kung maaari lamang po, kung may nalalaman kayo na katulad nito, ay ipagbigay alam lamang sa pinakamalapit na himpilan ng Pulisya para agarang magawan ng aksyon at mapanagot ang nagkasala sa batas. #gtgilao
#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending