1–2 minutes

Walang kawala ang labing tatlong (13) wanted personalities at apat (4) na drug personalities matapos paigtingin ng Quezon Police Provincial Office (PPO) ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad sa kalagitnaan ng kanilang paghahanda para sa bagyong #EgayPH.

Ayon sa Provincial Director ng Quezon PPO na si PCOL Ledon D Monte, bagamat nakaantabay ang buong pwersa ng Quezon PPO para sa maaring maging epekto ng bagyong #EgayPH ay naging puspusan din ang kampanya nito laban sa kriminalidad.

Batay sa datus mula sa Provincial Operations Management Unit (POMU) ng Quezon PPO, simula Hulyo 24-26, 2023, ay nakaaresto ang mga operatiba ng Quezon PPO ng labing tatlong (13) wanted persons na kung saan ang tatlo (3) dito ay nakatala bilang Most Wanted Persons: isa (1) sa Regional Level, isa (1) sa Provincial Level, at isa (1) sa Municipal Level.

Batay pa rin sa datus ng POMU, sa kaparehas na panahon ay apat (4) naman na drug personalities ang naaresto Quezon PNP at nasamsam naman ang 10.99 na gramo ng shabu na may Dangerous Drug Board (DDB) Value na ₱74,732.00.

Samantala, isang indibidwal naman ang naaresto dahil sa paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act matapos ipatupad ang isang Search Warrant sa lungsod ng Lucena.

Ayon kay PCOL Monte, sabado pa lamang ay nagbigay na siya ng direktiba sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa buong lalawigan na maghanda para sa nasabing bagyo at kasabay ng kanyang direktiba ay ang paalala na palakasin rin ang kampanya nito laban sa kriminalidad.

“Bagamat tayo ay abala sa kabila ng paghahanda para sa bagyong #EgayPH ay hindi ito na nangangahulugan na pababayaan natin ang ating kampanya laban sa kriminalidad. Bukod pa ang mga ito sa mga preventive measures na ipinatupad natin tulad ng mga patrolya at police presence para siguraduhin ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa gitna ng bagyo,” ayon kay PCOL Monte.



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending