1–2 minutes

Sa taunang pagdiriwang ng kaarawan ni Hermano Puli, pinangunahan ni Provincial Director, PCOL LEDON D MONTE ang aktibong pakikiisa ng Quezon Police Provincial Office sa pagdaraos ng 208th Birth Anniversary of Hermano Puli sa Hermano Puli Shrine, Brgy Isabang, Tayabas City nitong umaga lamang, Hulyo 22, 2023.

Sa ganitong paggunita, binibigyang pagkilala at respeto si Apolinario de la Cruz sa kanyang kapanganakan noong ika 22 Hulyo 1814. Kilala rin siya bilang Hermano Pule (“Kapatid na Pule”) o Puli na isang Pilipinong namuno sa isang paghihimagsik laban sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Ang pakikibakang ito ay naglayon ng kalayaan sa pananampalataya at ng kasarinlang pambansa na sa ngayo’y ating tinatamasa.

Ang nasabing pagtitipon naman ay dinaluhan ng mga miyembro ng iba’t ibang ahensiya mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Panlungsod ng Lucena at Tayabas, beteranong mga naglingkod sa bayan, PNP sa pangunguna nina APC- SL Commander, PLTGEN RHODERICK C ARMAMENTO at PCOL LEDON D MONTE kasama ang iba pang mga miyembro ng AFP at BFP.

Naging highlights naman ang Wreath Laying and Flower Offering sa Hermano Puli Shrine bilang simbolo ng pagbibigay galang at saludo sa naging ambag ni Kapatid na Puli sa ating Kalayaan at kakilanlan ng bansa at bawat Pilipino.

Naangkupan naman din ito ng isang pampasiglang bilang na awit pangkomemorasyon sa katangi-tanging marka ni Puli sa kasaysayan ng lalawigan ng Quezon at bawat mamamayan nito.

“Ang Quezon Pulis ay katuwang at kaiisa ng komunidad at nang mamamayan sa anumang bagay na pagsasakatuparan sa sinumpaang tungkulin at pagsisilbi sa bayan at tao upang ang lalawigan ng Quezon ay maging isang maunlad, nagkakaisa, payapa, at ligtas”. Ani ni PCOL Monte
Bilang Pilipinong magkakapatid ating itaguyod at pahalagahan ang bawat ambag ng ating mga bayaning naglaan ng kanilang buhay at dedikasyon sa diwa ng dugong nananalaytay na makabayan na may pagmamahal sa bayan.
*Quezon PNP-PIO*

#SerbisyongNagkakaisa .
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending