1–2 minutes

Arestado ang isang magnanakaw sa kinasang follow-up operation ng Calamba PNP kahapon Hulyo 30, 2023.

Kinilala ni Police Colonel HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO ang suspek na si Alyas Felix residente ng Calamba City, Laguna.

Ayon sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, Hepe ng Calamba City Police Station nagkasa ang kanilang personnel ng follow-up operation kahapon sa ganap na 8 ng umaga Hulyo 30, 2023 sa B7 L15 Venice St., Calamba Hills PH2, Barangay Barandal, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas Felix sa kanyang tinutuluyang bahay.

Narekober sa suspek ang isang unit ng Vivo 19 na nagkakahalaga ng PhP 18,500.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang arestadong suspek na nahaharap sa kasong Robbery.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR “Sa mabilis na aksyon ng Calamba Pulis ay agad nahuli itong suspek sa ikinasang follow-up operation, makakaasa kayo na sa anumang sumbong ninyo ay agad aaksyunan yan ng ating kapulisan basta’t ipagbigay alam nyo lamang agad sa pinakamalapit na himpilan ng Pulisya sa inyong nasasakupan kung may insidente ng kriminalidad. #gtgilao
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




July 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending