1–2 minutes

Arestado sa manhunt operation ng kapulisan ng San Pablo City Police Station (CPS) noong Lunes, July 31, ang most wanted person sa CALABARZON sa kasong panggagahasa sa Camarines Norte.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director PCOL HAROLD P DEPOSITAR ang akusado na si alias Lolo Deng, 69 years old at residente ng San Pablo City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL WILHELMINO S SALDIVAR JR, hepe ng San Pablo CPS, isinagawa ng warrant personnel ng San Pablo CPS ang operation noong ika-31 ng Hulyo, 2023, sa ganap na 1:20 ng hapon sa Barangay San Jose, San Pablo City, Laguna sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape through sexual assault na nilabas noong June 5, 2023, ng Regional Trial Court, Br 64, Labo, Camarines Norte.

Ang naarestong akusado ay rank number 2 sa most wanted persons ng PRO-CALABARZON.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pablo CPS. Agad namang iimpormahan sa pagkakaaresto ng akusado ang korte na pinagmulan ng warrant of arrest.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Kasama sa aking mga direktiba sa mga Chiefs of Police sa Laguna ang mas palakasin pa ang pagsasagawa ng mga manhunt operations. Lahat ng warrants of arrest na ibibigay ng korte sa mga estasyon ay agad naming tatrabahuhin.”

“Sa pakikipagtulungan ng bawat mamamayan sa Laguna ay hindi magiging taguan ng mga akusado ang probinsiya ng Laguna.” Dagdag ni PCOL DEPOSITAR. #gtgilao



Contact #: 09171180238




August 2023
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending