1–2 minutes

Arestado ang Most Wanted Person Regional Level sa manhunt operation ng Calamba Pulis kahapon Hulyo 31, 2023.

Kinilala ni Police Colonel HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO ang akusado na si Alyas Lito, residente ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba City Police Station nagsagawa ang mga miyembro na kanilang warrant at Intel personnel ng manhunt operation kahapon ganap na 3:40 ng hapon Hulyo 31, 2023 sa Brgy. Milagrosa, Calamba City, Laguna, na nagresulta sa agarang pagkakaaresto ng nasabing akusado.

Isinagawa ang nasabing operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region Branch 8, Calamba City, Laguna na nilagdaan ni Hon. AVE A ZURBITO-ALBA, Acting Presiding Judge, nahaharap ang akusado sa kasong Rape na walang piyansang inirekomenda.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS, agad namang iimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR “Bilang pagtalima sa panawagan ng pamunuan ng kagalanggalang na Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR ay mas pinalawak ng Laguna PNP at pinalakas ang mga operation laban sa mga Wanted Persons. Upang bigyang hustisya at katarungan ang mga naging biktima ng mga akusadong nagtatago sa batas.#gtgilao
#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




August 2023
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending