1–2 minutes

Naaresto ang dalawang personalidad ng iligal na droga sa ikinasang drug buy-bust operation ng Binangonan MDET sa kahabaan ng Saperia St. Brgy. Calumpang Binangonan, Rizal dakong 12:30 ng umaga August 9 taong kasalukuyan.

Ayon sa ulat, ang Binangonan PNP sa pangunguna ng hepe nito na si PMAJ RHONNIE R ARIOLA ay matagumpay na naisagawa ang operasyon na may koordinasyon sa PDEA 4A at nagresulta sa pagkakaaresto nina Virgo Villarmin y Guerero @Virgo, 42- taong gulang (HVI/PUSHER) at Marquez y Fernandez @Johnny, 63-taong gulang (HVI/PUSHER). Ang mga nasabing suspek ay pawang nakatira sa Binangonan, Rizal.

Gayundin, sa nasabing operasyon ay narekober at nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang piraso (2 pcs.) ng heat sealed transparent plastic sachet (HSTPS) na naglalaman ng white crystalline substance ng hinihinalang SHABU at isang (1 pc) plastik na nakataling HSTPS na may timbang na humigit kumulang 81.4 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng PHP 553,520,00., isang piraso (1 pc) HSTPS na buy-bust item, sampung piraso (10 pcs) ng 100 peso bills, isang piraso na color gray na coinpurse at isang buy bust money na nagkakahalaga na PHP 1,000.00.

Ang mga narekober na ebidensya ay minarkahan, inimbentaryo at kinuhanan ng litrato sa lugar ng pinangyarihan at nasaksihan ng Barangay official at media sa presensya ng suspek. Gayundin ay dinala ang mga ito sa Rizal PFU para sa wastong disposisyon. Samantala, kasalukuyang nakapiit ang naarestong suspek sa Binangonan Custodial Facility na nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Binigyan diin ni PCOL DOMINIC BACCAY na ang kapulisan ng Rizal ay patuloy na lalabanan at hindi titigil sa pagsugpo ng mga illegal na droga. Sinisiguro ng Rizal PNP na ang mga mamamayan at probinsya ng Rizal ay ligtas mula sa mga ilegal na aktibidad, illegal drugs at kriminalidad.



Contact #: 09171180238




August 2023
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending