1–2 minutes

Mahigit sa kalahating kilo ng pinaghihinalaang shabu ang natagpuan ng isang service crew sa banyo ng isang fast food restaurant sa bayan ng Candelaria, Quezon nitong gabi ng Agosto 10, 2023.

Ayon sa Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office na si PCOL LEDON MONTE nasa 511.5 gramo ng pinaghihinalaang shabu na mayroong Dangerous Drug Board Value na Php 3,478,200.00 o street value na nagkakahalaga ng nasa Php 10,434,600.00.

Dagdag pa ni PCOL MONTE, pumasok di umano sa nasabing restaurant ang ilang police patrollers upang kumain na posibleng naging dahilan kung bakit iniwan ang nasabing kontrabando.

Sa kasalukuyan, nirereview na ang mga CCTV footage mula sa nasabing restaurant upang matukoy ang posibleng pagkakakilanla ng mga suspect na nakaiwan sa nasabing kontrabando.

“Sa pangyayaring ito, makikita natin na malaki ang maitutulong ng mga kababayan natin sa ating kampanya laban sa iligal na droga. Nagpapasalamat tayo sa mga staff at management ng Mang Inasal dahil sa tama at mabilisang nilang pagtugon matapos madiskubre na may kontrabando sa kanilang lugar”.

𝗦𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲: 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗡𝗣-𝗣𝗜𝗢

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




August 2023
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending