1–2 minutes

Camp MGen Licerio I Geronimo Taytay, Rizal- Nakumpiska ang tinatayang higit 500 libong halaga ng shabu sa CMA Market, Brgy. Dela Paz, Antipolo City, Rizal.

Iniulat ni PCOL DOMINIC L BACCAY, Provincial Director Rizal PPO kay Regional Director PRO 4A CALABARZON PBGEN CARLITO M GACES ang pagkakadakip sa isang high valued individual (HVI) sa pagbebenta ng illegal na droga.

Ayon sa imbestigasyon, ang Antipolo City Drug Enforcement Team (CDET) sa pangunguna ng hepe na si PLTCOL JUNE PAOLO O ABRAZADO ay matagumpay na naaresto si JERRY BERNAL y VARGAS @BUBU, 43-taong gulang at pawang nakatira sa Brgy. Sta. Cruz Antipolo, City. Gayundin ay naharap na dati sa parehong kaso ang nasabing suspek at na acquit ito noong October taong 2019.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang (1) pakete at isang (1) nakatali na plastic na may lamang hinihinalang SHABU na may kabuuang bigat na humigit kumulang 79.7 gramo na nagkakahalaga ng Php 541,960.00. Ito ay minarkahan, inimbentaryo at kinuhanan ng litrato sa mismong lugar ng operasyon at presensya ng supek na agad rin namang ipinaalam ang lahat ng karapatan. Dinala ang mga ito sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Samantala, kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Antipolo Custodial Facility na nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni PCOL DOMINIC L BACCAY, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office ang naging matagumpay na operasyon at naninindigan ito na ang mga kapulisan ng Rizal ay lalong magsisigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na tumatangkilik at nagbebenta ng iligal na droga dito sa probinsya.

Isa rin ito sa paghahanda ng kapulisan na maging mas maayos ang pagdaos ng nalalapit na BSKE elections at maiwasan ang anumang kaguluhan o iba pang kriminalidad.

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#PNPPATROLPLAN2030
#teameffortkalingangrizalpnp



Contact #: 09171180238




August 2023
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending