1–2 minutes

Arestado ang dalawang High Value Individual, PhP476K na halaga ng hinihinalang shabu kumpiskado sa drug buy-bust operation ng Laguna PNP.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Office-in-Charge POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR ang mga suspek na Sina alyas ‘RR’, residente ng San Pablo City, Laguna at alyas ‘Cha’, residente naman Sta Cruz, Manila, pawang mga High Value Individual (HVI).

Sa ulat ng Provincial Drug Enforcement Unit, Laguna PPO (PDEU) at ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng San Pablo City Police Station, nagkasa sila ng joint Anti-illegal drug buy-bust Operation kaninang madaling araw sa ganap na 2:14 ng umaga August 19, 2023 sa Brgy 2-C, San Pablo City, Laguna, na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek, matapos magsabwatan sa pagbebenta ng isang (1) piraso ng sachet suspected shabu sa mga awtoridad na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Kumpiskado sa mga suspek ang pitong (7) piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may tinatayang timbang na humigit kumulang 70 gramo at halagang aabot sa PhP476,000.00, isang (1) piraso ng one thousand peso paper bill genuine money at 49 pirasos ng one thousand peso paper bill boodle money na ginamit bilang buy-bust, one thousand five hundred pesos (PhP1500.00) recovered money, isang (1) piraso Iphone 7+ cellphone, isang (1) piraso Vivo Cellphone at isang (1) piraso ng sling bag.

Samantala, ang mga kumpiskadong ebidensiya ay isusumite sa Provincial Forensic Unit (PFU) sa Sta. Cruz, Laguna para sa pagsusuri, habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa isasampang kaso laban sa mga suspek na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Sa pahayag ni PCol DEPOSITAR, “Ang pagkaaresto ng mga suspek na ito ay resulta sa mas pinaigting na kampanya ng Laguna PNP laban sa iligal na Droga. Binibigyang babala ko din ang ating mga kababayan na umiwas o wag masangkot sa pinagbabawal na gamot. Tutugisin namin kayo.” #gtgilao
#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




August 2023
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending