1–2 minutes

Matatandaan na noong June 12, 2023, kasabay ng pag gunita ng Independence Day ay idineklara ang Lalawigan ng Quezon bilang Insurgency-Free Province. Subalit hindi dito natitigil ang ibat-ibang kampanya laban sa mga ilegal na gawain na humahadlang sa tuluyang pag unlad ng ating lalawigan.
Kung kaya ngayong araw, kasabay ng traditional monday flag raising ceremony, ginawaran ng parangal ang limang kapitan ng barangay sa pagkakadeklara ng kanilang nasasakupan bilang Drug-Free o malinis kontra iligal na droga.

Ayon kay PCOL Ledon D Monte, Provincial Director ng Quezon PPO, dumaan sa masusing pagsusuri ang mga barangay para matiyak na wala nang kalakaran ng iligal na droga sa kanilang nasasakupan.
Ginawadan ng Sertipiko ng pagkilala ang limang Kapitan ng Barangay na sina:
Brgy. Chairman Lea T Amorada – Brgy. Mamala 2, Sariaya Quezon
Brgy. Chairman Rommel Barrot – Brgy. Tongko, Tayabas City
Brgy. Chairman Roderick C Macinas – Brgy. Dalahican, Lucena City
Brgy. Chairman Jorge T. Glorioso – Brgy. Sta Catalina, Pagbilao Quezon
Brgy. Chairman Edgardo N Austan – Brgy. 2 Lucban

Kaugnay nito, marami pang barangay ang kasalukuyang sumasailalim at sasailalim sa pagsusuri bago tuluyang maideklara bilang drug-free. “Patuloy nating tututukan ang mga natitirang barangay upang makatugon at pumasa ang mga ito sa validation at assessment na kondisyon bago ang deklarasyon.”

“Nagsisimula na tayo sa pagdedeklara ng mga Barangay, susundan ng ito ng Munisipalidad at kalaunan ang deklarasyon ng Probinsya. Sa mga susunod na araw at buwan, positibo ako na magsusunod-sunod ang mga barangay na maidedeklara bilang Drug-Free.”

“Malaking hamon para sa ating lahat na lininsin ang buong lalawigan mula sa iligal na droga at maideklara bilang Drug-Free Province, malayo pa tayo… ngunit sa aktibong kolaborasyon sa pagitan ng mga residente, lokal na pamahalaan at mga stakeholders, mapagtatagumpayan natin ang ating iisang mithiin.” Ani ni PCOL MONTE.

𝗦𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲: 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗡𝗣-𝗣𝗜𝗢

SerbisyongNagkakaisa

ToServeandProtect

TeamPNPKakampiMo

TeamPNPCALABARZON



Contact #: 09171180238




August 2023
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending