1–2 minutes

Ika 7:30 ng gabi ng Agosto 26, 2023, walang takas ang 2 HVI drug suspects matapos maglatag nang tuloy-tuloy na operasyon ang Quezon Police kontra ilegal na droga, kung saan nasamsam sa kanila ang humigit 3.2 Milyong pisong halaga ng shabu sa Purok Ilang-Ilang 1, Brgy. Silangang Mayao, Lucena City.

Inulat ni Quezon Police Provincial Director, PCOL LEDON D MONTE na ang mga naarestong suspek ay napagkilanlang sina Christian Magtaas Enverga @ “Mayor”, 43 taong gulang, residente ng Brgy Silangang Mayao at Antonio Ruel San Vicente @ “Ton ton”, 40 taong gulang, residente ng Brgy Domoit, Lucena City. Sila ay mayroong dating drug cases. Sila ay nadakip sa sa sanib pwersang pinangunahan ng Lucena CPS, QPPO- PDEU, PDEA-Quezon, Quezon Maritime, CIDG-Quezon at RIU PIT Quezon na pinangasiwaan ni PLTCOL BEN BALLERA JR, Hepe ng nasabing stasyon ng pulis.

Kumpiskado sa kanilang pag-iingat ang 13 piraso ng heat-sealed transparent sachets na may humigit-kumulang na timbang na 159.06 gramo na may DDB value PHP 1,081,608.00 at street value na PHP 3,244,824.00.

“Ito ay bunga ng pinaigting nating kampanya kontra ilegal na droga para sa nalalapit na BSKE 2023 upang masigurado natin na ang pinansyal na bunga ng ilegal na droga ay hindi magamit para maimpluwensyhan ang mga botante at resulta ng halalan” Ani ni PCOL MONTE.

𝗦𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲: 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗡𝗣-𝗣𝗜𝗢
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON




Contact #: 09171180238




August 2023
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending