1–2 minutes

Arestado ng Quezon Pulis ang dalwang lalaki na kinilala bilang mga high value individuals (HVI) sa isang buy-bust operations gabi ng Agosto 31, 2023.
Isinagawa ng pinagsanib pwersang operatiba ng Lucena CPS, PDEA4A Quezon, QPDEU, Quezon Maritime Police Station, CIDG Quezon at RIU 4a Quezon PIT ang operasyon sa Purok Bagong Lipunan Brgy. Cotta, Lucena City.


Kinilala ni 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗣𝗖𝗢𝗟 𝗟𝗘𝗗𝗢𝗡 𝗗 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗘 ang mga naarestong suspek na sina Mark Joseph Campomanes y Barrora alyas Kayakas, 40y/o at si Arnel Ibanez y Quinto alyas Jopex.


Nasamsam sa operasyon ang labindalwang plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 31.3 gramo at nakakahalaga ng PHP 638,520.00 at labinisang P1000 bills na ginamit bilang boodle money.


Ang mga suspek ay dinala na sa Lucena Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.


“Sa pagkaaresto ng mga drug personalities na ito ay binibigyang parangal ko ang pwersa ng kapulisan ng Quezon sa sipag at dedikasyon na kanilang pinapakita upang magampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin,” ani PCOL Ledon Monte. ###

𝗦𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲: 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗡𝗣-𝗣𝗜𝗢

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON



Contact #: 09171180238




September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending