1–2 minutes


Naaresto ang isang tinaguriang high valued individual (HVI) sa ikinasang drug buy-bust operation ng Binangonan MDET sa kahabaan ng Sitio San Jose Kambingan Brgy Pagasa Binangonan Rizal dakong 3:15 ng umaga Setyembre 2 taong kasalukuyan.

Iniulat ni PCOL RAINERIO M DE CHAVEZ, OIC Rizal PPO kay PBGEN CARLITO M GACES, Regional Director PRO 4A CALABARZON ang matagumpay na pagsasagawa ng buy-bust operation na may koordinasyon sa PDEA 4A at nagresulta sa pagkakaaresto ni Windelyn Lizares y Jacinto @Wendy (Listed HVI/pusher), 35- taong gulang at nakatira sa Brgy Pagasa Binangonan Rizal.

Gayundin, sa nasabing operasyon ay narekober at nakumpiska mula sa suspek ang labing-anim na piraso (16 pcs.) ng pakete na naglalaman ng white crystalline substance ng hinihinalang SHABU na may timbang na humigit kumulang 55.8 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng PHP 379,440,00., isang (1) coin purse na kulay black, isang (1) piraso ng 500 peso bill (buy-bust money) at limang (5) piraso ng recovered money na nagkakahalaga na PHP 100.00.

Ang mga narekober na ebidensya ay minarkahan, inimbentaryo at kinuhanan ng litrato sa lugar ng pinangyarihan at nasaksihan ng Barangay official at media sa presensya ng suspek. Gayundin ay dinala ang mga ito sa Rizal PFU para sa wastong disposisyon. Samantala, kasalukuyang nakapiit ang naarestong suspek sa Binangonan Custodial Facility na nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa pahayag ni PCOL DE CHAVEZ, aniya na ang kapulisan sa Rizal ay hindi titigil sa pagpuksa ng mga masasamang aktibidad partikular sa mga iligal na droga na siyang sumisira sa kabuhayan ng mamamayan sa Rizal. Patuloy ang Rizal PNP sa pagganap ng tungkulin upang maibigay ang isang bayan na maayos at ligtas sa anumang uri ng kriminalidad.

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#PNPPATROLPLAN2030



Contact #: 09171180238




September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending