1–2 minutes

Agaran na pinaimbestigahan ni PMAJ FRANCISCO J LUCEÑA (COP), matapos makatanggap ng tawag sa cellphone bandang 3:50 ng madaling araw ang kanilang tanggapan mula kay Albert Ariola Serrano, 31 taong gulang guwardiya ng Magnificat Transport Cooperative at naninirahan sa Barangay Bugaan East, Laurel, Batangas na Ipinabatid niyang may naganap na insidente ng pagsabog sa terminal station.

Sa ulat ni Batangas Police Provincial Director PCol. Samson B. Belmonte kay Police Regional office CALABARZON Regional Director PBGen. Carlito M. Gaces, na sa unang imbestigasyon, lumabas na bandang 3:30 ng madaling araw ayon kay Albert Serrano, siya ay nasa loob ng isa sa mga bus sa terminal, nagpapahinga at naghihintay sa pagdating ng mga drayber ng bus nang biglang magising siya dahil sa pagsabog malapit sa kanyang kinaroroonan. Agad siyang lumabas at nakita niyang butas butas na ang bintana ng mga mini bus at may flat ding gulong

Ang ilang shrapnel na nakita ay tila kalawangin na.

Ayon naman sa Acting Brgy Chairman Valerio Araja ay nakarinig siya ng malakas na pagsabog sa loob ng Terminal at nalaman niyang may basag na ang mga salamin ng mga mini bus sanhi ng pagsabog at may gulong na naflat dahil sa hinagis na granada.

Mayroon nakapagsabing may isang naka motorsiklo ang naghagis ng granada na mabilis tumakas.


Nanawagan naman ang Admin Finance Ms. Marissa Isla ng Magnificat Transport Cooperative sa mga gumawa nito na dapat pinag isipan ng mabuti ang ginawa dahil sumusunod lamang ang kanilang kooperatiba sa modernisasyon ng gobyerno para sa mas maaliwalas na biyahe.

Maliban sa maaring tutol sa modernisasyon ng modern jeepney,
isa din sa hinala nila ang pagkakaroon ng gitgitan sa kalsada na maaring nag higante ang nakagitgitan.

Sa ngayon ay patuloy pa ang back tracking sa mga CCTV na maaring nadaanan ng suspect at masusing imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang salarin at kung ano ang talagang motibo ng paghagis ng granada sa Magnificat Transport.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.



Contact #: 09171180238




September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending