1–2 minutes


Huli ang isang lalaking nanaksak sa Barangay San Vicente, Santo Tomas, Batangas noong ika-7 ng umaga ng Setyembre 10, 2023.

Kinilala ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director, Police Colonel Samson B Belmonte ang suspek bilang si Ronald Padilla y Tagle, 54 taong gulang, walang asawa, construction worker, tubong Tondo, Maynila at kasalukuyang naninirahan sa Santo Tomas City, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, sinaksak ni Padilla gamit ang isang ice pick sa nasabing petsa at lugar ang biktimang siHerman Moreno y Aquino, 43 taong gulang, Fish vendor, tubong Nueva Ecija at kasalukuyang nakatira sa Santo Tomas. Nagtamo ng pinsala sa kaliwang braso at katawan ang biktima sa naturang pananaksak. Nagpambuno pa ang suspek at biktima nang awatin ito ng security guard na si Ferdinand Tumaob y Bacoor.

Isinugod sa St. Cabrini Hospital ang biktima habang inaresto at dinala naman ng gwardya ang suspek sa pamunuan ng Santo Tomas City Police Station. Ang biktima ay nagpapgaling sa nasabing ospital at ang suspek naman ay kasalukuyang nasa Custodial Facility ng Santo Tomas CPS si Padilla para sa kaukulang disposisyon.


Ang tulong na ginawa ni Ferdinand Tumaob ay malaking ambag sa pagpapanatili ng kapayapaan sa ating lugar. Kahanga-haga at maipagmamalaki natin ang tibay ng loob ng gwardyang ito. Nawa’y maging huwaran ito ng bawa’t isa.”– PCOL BELMONTE


###piobatangasppo###
###TeamPIO



Contact #: 09171180238




September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending