1–2 minutes

Kaugnay ng implementasyon ng Gun Ban bilang paghahanda sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023, pinagtitibay ng kapulisan ng Batangas ang mga aktibidad kontra ilegal na pagmamay-ari ng baril.

Kumpiskado ang isang kalibre .45 na pistol sa ginawang paghahain ng search warrant ng mga tauhan ng San Juan Municipal Police Station kasama ang 403rd A Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 4A noong 5:40 ng umaga ng September 15, 2023 sa Barangay Abung, San Juan, Batangas.

Base sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General CARLITO M GACES, ang naarestong suspek ay nakilala bilang si Celso Arnel Sayat, 56 taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Kasama sa iba pang narekober sa suspek ang ilang mga magazine at bala,. Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Juan MPS ang suspek. Nahaharap naman siya sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

“Patuloy na pinag-iibayo ng kapulisan ang kampanya nito kontra ilegal na pagmamay-ari ng baril. Kung kayo po ay may armas na walang kaukulang papeles ay mangyaring isuko sa pinakamalapit na himpilan ng kapulisan sa inyong lugar.” -PCOL BELMONTE
###piobatangasppo###
###TeamPIO



Contact #: 09171180238




September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending