5–7 minutes

Thanksgiving Mass

Ito ang selebrasyon ng ika 408th Founding Anniversary ng Los Baños a taunang idinadaos tuwing September 17. Magkakaroon ng isang simpleng misa kung saan ipagpapasalamat at aalalahanin ang pagkakatatag ng bayan ng Los Baños. Magiging hudyat din ito ng pagsisimula ng isang linggong selebrasyon ng Bañamos Festival 2023. Dadaluhan ito ng mga opisyal ng munisipyo kasama ang 14 na barangay maging ang mga empleyado ng LGU.

Carnival Fair

Maaring sumakay sa exciting rides at mamili ng mga produktong tatak Los Baños sa gaganaping Carnival Fair a magsisimula ng September 19 hanggang September 24. Buong isang linggo ang inilagak para sa Carnival Fair para sa mas mahabang pag-eenjoy ng mga taga LB at mga Turista Mae-experience ang masayang carnival na itatayo sa Gen. Paciano Rizal Park mula 3PM hanggang 10pm.

DAY 1

Bañamos Kick-off Shower Parade (NEW)

Ang Bañamos Kick-off Shower Parade ay magsisilbing unang araw ng Bañamos Festival. Ito ay ang mas pinalakas na opening ng Bañamos kung saan magkakaroon ng Shower Parade sa mga designated areas. Magkakaroon din ng ibat-ibang pakulo tulad ng bubble blast, color blast at shower blast. Ibat-ibang makukulay na costumes ng mga participants

Palarong Bañamos (NEW)

First day palang ng Bañamos Festival ay fun and exciting games a ang aabangan sa Palarong Bañamos. Ibat-ibang palarong pinoy na kagigiliwan ng mga bata at matanda katulad ng palocebo, ubusan ng sabon, hulihan ng biik at itik, lato-lato at Tug of war at marami pang iba. Masasaksihan ang event na ito sa September 19 mula 9:00 am hanggang 11:00 am.

Kakaibangka (NEW)

Isa ang Kakaibangka sa mga bagong event at attraction ngayong Banamos 2023, kung saan i-shoshowcase ng mga kalahok ang kanilang gagawing makukulay a dekorasyon sa bangka na ilalagay sa Laguna lake sa General Paciano Park. Target ng event na ito na magkaroon ng 10 participants. Magsisilbing attraction ang mga bangka para sa instagrammable worthy picture ng mga turista.

Bailamos Dance Battle

Ang Bailamos Dance Battle ay tagisan ng natatanging talento at husay sa pagsayaw ng iba’t ibang grupo ng mga mananayaw sa bung bansa. Aabangan din dito ang surprise guest ng event na kabibiliban ang mga moves. Manood at makihataw sa final showdown a gaganapin sa Evacuation Park sa September 19 (Tuesday), 4pm – 8pm.

DAY 2

Zumbaños

Zumba ang sagot para maging mas masigla, malakas at mas tumaas ang energy ng mga taga- LB.

Magkakaroon din ng sikat na Zin a mas lalong magpapasigla ng ng sayawan. Pinopromote din ng Bañamos ang healthy lifestyle para sa mga Ka-LB at ugalin ang mag-exercise sa isang simpleng sayaw. Ang Zumbaños ay gaganapin sa September 20 (Wednesday) sa Evacuation Area sa ganap na 7:00 am – 9:00am.

LB Awards

Kikilalanin ang mga natatanging indibidwal at establisyamento sa bayan ng Los Baños na katuwang ng pamahalaan sa paglilingkod at pagpapaulad sa lokalidad. Kasama rito ang Awardees ng Top 10 Tax payers, Business Icons at Outstanding Citizens. Ito ay pagbibigay pugay sa mga kontribusyon ng mga taga- Los Baños a isang magandang ehemplo sa bayan. Sabay- sabay nating saksihan ang paggawad ng parangal sa September 20 (Wednesday) sa Evacuation Center simula 3:00 pm – 6:00 pm.

Barangay Night

Mapapanood sa Barangay Night ang KPOP groove ng mga piling empleyado at opisyal ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng bawat barangay sa bayan ng Los Baños na idaraos sa September 20 (Wednesday) sa Evacuation Center simula 6:00 pm – 10:00 pm.

DAY 3

Cultural Show

Sa Cultural Show matutunghayanang malikhain at teatrikal a pagtatanghal g kultura, kasaysayan at talento ng mga mag-aaral, guro at punong guro sa Los Baños na gaganapin sa September 21 (Thursday) sa Evacuation Center mula 3:00 pm – 5:00 pm.

LBirit Star Search DUETS

Mahuhusay a mang-aawit ang magpapakita ng galing at maglalaban kasama ang kanilang duet sa LBirit Star Search Duets. Ang contest a ito ay pagpapakita ng husay ng mga taga LB sa kantahan. Gaganapin ang final singing showdown sa LB Evacuation Center sa September 21

(Thursday), 6:00 pm to 10:00 pm.

DAY 4

Banamos Aqua Games (NEW)

Dahil level up ang Bañamos 2023, ay may panibagong event na kaaaliwan ng mga taga LB, ito ang Bañamos Aqua Games. Kung saan, mag-tatagisan ang mga kalahok sa water Relay. Makikita din ang ganda na ipinagmamalaki ng Tadlac Lake kung saan gaganapin ang mga palaro. Sisiguraduhin din ng Bañamos Aqua Games ang kaligtasan ng mga manlalaro. Kaabang-abang ito sa September 22 (Friday) mula 8:00 am hanggang 11:00 am.

Mister & Miss Bagong Los Baños

Mga naggagandahan at naggugwapuhan a binibini at ginoo mula sa iba’t ibang barangay ang magtatagisan ng kagandahan, talento at talino sa Mister & Miss Bagong Los Baños 2023 a mapapanood sa LB Evacuation Center mula 6:00 pm hanggang 10:00 pm sa September 22 (Friday).

Color Run

Hindi lang basta enjoyment at health benefits ng pagtakbo ang ipo-promote sa makulay at masavang Color Run event na ito, kundi isa rin itong run for a cause activity kung saan ang mga benepisyaryo ng malilikom na pondo ay para sa mga Dialysis patient nating mga kababayan sa Los Baños. Mag-uumpisa ito ng 4AM hanggang 10AM ng September 23 (Sabado).

Sama-samang magpaparada a Civic Parade ang ibat-ibang mga government at non-government agency, office, institution, at civic association a katuwang g pamahalaang bayan ng Los Baños.

Magiging makulay ang parada kasama pa ang mga ibat-ibang mosiko na magpasigla ng selebrasyon. Abangan din ang bumubuhos a shower sa kahabaan ng kalsada. Magsisimula mula sa TRACE college hanggang UPLB Grounds ganap a 1:00 pm hanggang 4:00 pm

Hot Air Balloon Fiesta and Market Bazaar

(NEW)

Mamangha sa exhibit ng Hot Air Balloons at mga mini-shaped dinasaur balloons ang makikita sa UPLB grounds. Pwedeng mag-selfie at mag-photo shoot sa naka-display na hot air balloon sa UPLB Freedom Park, mula 2:00 PM hanggang 5:00 PM. Magkakaroon din ibat-ibang pagkain sa Market Bazaar para mas mag-enjoy ang mga turista. Bukas ito sa September 23 (Sabado) mula 7:00 am hanggang 10:00 pm

Bayle sa Kalye

Magpapakitang gilas sa husay sa pagsasayaw, paghataw, at magsho-showdown sa kalye ang mga pambato ng bawat barangay sa gaganapin a Bayle sa Kalye sa UPLB Freedom Park sa September 23 (Saturday), 4PM-10PM.

DAY 6

Padyak Los Baños

Kasabay ng pag-promote ng biking bilang isang health activity ngayong panahon ng pandemya, ang Padyak Los Baños ay isa ring biking for a cause na gaganapin sa September 24 (Linggo), 4AM-10AM. Ang starting point ang pagbi-bike ay sa Lakewood Subdivision na magtatapos sa TRACE college.

Ang makakalap a pondo sa aktibidad na ito ay gagamitin para sa MGLB Rabies Prevention Program (for Purchase of Anti-Rabies Vaccine).

Grand Revelry

Mapapakinggan at mapapanood ang pinakapaborito at mga OPM na kanta ng iba’t ibang OPM artists sa live performance ng ilang mga artista at banda sa Grand Revelry na idaraos sa Gen. Paciano Rizal Park sa September 24, 7PM-10PM.



Contact #: 09171180238




September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending