1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 12 katao sa ikinasang joint gambling operation ng San Pablo CPS at Provincial Special Operation Unit (PSOU) kaninang madaling araw.

Kinilala ni PCOL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas Jovent, Eugenio, Joan, Ronald, John, Francis, Edwin, Robin, Joel, Jaybee, Francois at Jopet.

Sa ulat ni PLTCOL WILHELMINO S SALDIVAR, hepe ng San Pablo City Police Station nagkasa ang kanilang operatiba ng anti-illegal gambling operation kasama ang personnel ng Provincial Special Operation Unit (PSOU) sa ganap na 1:20 kaninang madaling araw sa Brgy. San Gabriel, San Pablo City, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek matapos maaktuhan na naglalaro ng illegal na Poker.

Nakumpiska sa mga suspek ang poker table, isang set ng baraha, dealer button, all in button, dalawang piraso ng notebook, poker chips at PhP10,200.00.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyan nasa kustodiya ng San Pablo CPS at nahaharap sila sa kasong kriminal na RA 9287 “An Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Games, Amending Certain Provisions of Presidential Decree No. 1602”

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR “Ang Laguna PNP ay seryoso sa pagsasagawa ng mga police operation lalong lalo na ang mga gumagawa ng mga iligal tulad ng mga pasugalan kaya hinihikayat ko po ang ating komunidad na ipagbigay alam laman po ninyo sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang mga nagsasagawa ng mga iligal na pasugalan dito sa lalawigan ng Laguna. #gtgilao
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeAndProtect



Contact #: 09171180238




September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending