1–2 minutes


Madaling araw ng umaga, September 24, 2023— Walang takas ang High Value Individual (HVI) Drug suspect matapos mahulihan sa buy-bust operation ng humigit kumulang 135 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng street value na Php 2,754,000. 00 na inilatag ng pinagsanib na pwersa ng PDEU-QPPO, PIU-QPPO, PDEA 4A Quezon at Lucena PNP Intel/SDEU sa Brgy. Ibabang Iyam Lucena City.

Kinilala ang naarestong HVI drug suspect na si Khristian Joy Medina @ Tigas, tatlumpung taong gulang, residente ng Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City at tinuturing na High Value Individual (HVI) na may previous drug case involvement.

Nakumpiska mula sa suspek ang sampung one-thousand-peso bill na ginamit bilang buy-bust money kasama ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet, dalawang knot tied transparent plastic bag, at isang itim na belt bag.

“Anumang araw o oras ang Quezon Police ay mas pinalalawak ang bawat kampanya kontra ilegal na droga upang ang ating pamayanan ay masiguro sa bantang maaaring idulot nito sa ating kababayan. Ang pinaigting na mga operasyon sa buong lalawigan ay ating pinaiiral bilang pagbabantay sa tahimik, ligtas, at maunlad na bayan.” ani PCOL Monte.

Nahaharap ngayon ang sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Khristian at siya rin ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Lucena PNP upang idokumentasyon sa tamang paglilitis ng kanyang kaso.
𝗦𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲: 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗡𝗣-𝗣𝗜𝗢

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON


Contact #: 09171180238





September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending