1–2 minutes

Arestado ang Rank no. 3 Most Wanted Person sa Probinsya ng Laguna sa manhunt operation ng Santa Maria PNP kahapon Setyembre 23, 2023.

Kinilala ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas Reynante residente ng Santa Maria, Laguna.

Ayon sa ulat ni PMAJ EVIENER A BOISER, hepe ng Santa Maria Municipal Police Station nagkasa ang kanilang operatiba ng manhunt operation kahapon sa ganap na 4:30 ng hapon Setyembre 23, 2023 sa Brgy. San Agustin, Alaminos, Laguna.

Isinagawa ang operation sa bisa ng warrant of arrest na nag resulta sa pagkakaaresto ng akusado sa kasong 2 counts of Statutory Rape at walang nirerekomendang pyansa na nilagdaan ni HON. MARLYN REYES AGAMA, Presiding Judge of Regional Trial Court Branch 33, Fourth Judicial Region, Siniloan, Laguna.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Maria MPS, habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay agad namang iimpormahan sa pagkakaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR “Ang pagkakahuli sa akusadong ito ay patunay na hindi tumitigil ang Laguna PNP sa pagtugis sa mga nagtatago sa batas at mas papaigtingin pa namin ang mga Police Operation para mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima.#gtgilao
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeAndProtect


Contact #: 09171180238





September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending