1–2 minutes

Nagkalasog-lasog ang katawan ng isang magsasaka matapos na suwagin ng kanyang sariling kalabaw nitong Martes, ika-26 ng Setyembre 2023, bandang alas dyes trenta (10:30) ng umaga sa Bayan ng Virac.

Kinilala ang biktima bilang si Henry Tablate Cielo, 65 anyos, at residente ng Barangay Calatagan, Tibang, Virac, Cataduanes.

Ayon sa mga saksi, nag-ugat ang insidete nang ayusin umano ng biktima ang pamatok o singkaw ng kalabaw na nabali habang binababa ang mga nakuhang kawayan sa bundok.

Sa hindi malamang dahilan ay nagwala ang kalabaw, sinuwag ang biktima na nakaladkad pa ng hanggang 10 metro at siyang ikinasawi nito.

Nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang parte ng katawan ang biktima na naisugod pa sa ospital subalit ideneklara ring Dead On Arrival.

Sa ngayon ay naiuwi na sa pamilya ang biktima habang nasa kanilang kustodiya na din ang nasabing kalabaw.

Nakipag-ugnayan na rin ang Virac PNP sa Municipal Agriculture Office sa nasabing bayan para sa kauukulang disposisyon. //Jinky Tabor


Contact #: 09171180238





September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending