1–2 minutes

Most Wanted Person ng Bauan na may kasong paglabag sa RA 7610 o (Special Protection of children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act) sa isinagawang operasyon ng Bauan Municipal Police Station kasama ang Regional Intelligence Unit 4A, Provincial Intelligence Team Batangas, 403rd Regional Mobile Force Batallion 4A, 2nd Batangas Mobile Force Company 3rd Maneuver Platoon, Provincial Intelligence Unit Batangas Police Provincial Office, Batangas Maritime Police Station at Special Operations Unit 3 Maritime Group noong ika 2:30 ng hapon ng Setyembre 29, 2023.

Kinilala ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director, Police Colonel Samson B Belmonte ang suspek bilang si Año Angelo Ros y Antonio, 33 taong gulang, tricycle driver at kasalukuyang naninirahan sa Calaca City, Batangas.

Nahuli ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 1, Batangas City para sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 na may nakalaang 150,000 pesos na piyansa.

Batay sa imbestigasyon, inabuso ng suspek ang kanyang menor de edad na biktima noong Enero 17, 2014 sa San Pascual, Batangas nang pinilit nitong makipagtalik sa biktima. Nagresulta ito sa pagkabuntis ng biktima at nang mangyari ito nito ay hindi na nakipag-usap pa ang suspek sa biktima. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bauan MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

“Ginagawa po ng kapulisan ang lahat upang mabigyang hustisya ang mga biktima. Kung may impormasyon po kayo na makakatulong sa imbestigasyon ay maaaring agad po itong ipagbigay alam sa kinauukulan.” – PCOL BELMONTE
###piobatangasppo###
###TeamPIO


Contact #: 09171180238





September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending