1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person Provincial Level sa manhunt operation ng Cavinti MPS, kahapon Setyembre 29, 2023.

Kinilala ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si Alyas Benjie residente ng Cavinti, Laguna.

Sa ulat ni PMAJ RAMISES L DE CASTRO, hepe ng Cavinti Municipal Police Station nagkasa ang kanilang warrant personnel ng Manhunt Operation sa ganap na 1:10 ng hapon Setyembre 29, 2023 sa Brgy. Sumucab, Cavinti, Laguna na nagresulta sa pagkakaresto ng nasabing akusado.

Isinagawa ang operation laban kay Alyas Benjie sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Br 6, Sta Cruz, Laguna, na nilagdaan ni Hon. Suwerte L. Ofrecio, Presiding Judge ng nasabing korte nahaharap ang akusado sa kasong RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”

Samantala, ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Cavinti MPS, agad namang iimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR “Hindi titigil ang Laguna PNP sa pagtugis sa mga nagtatago sa batas, upang bigyan ng hustisya ang lahat ng mga naging biktima. Tiniyiyak namin sa biktima at sa kanyang pamilya na mananagut sa batas ang akusadong ito.#gtgilao
#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect


Contact #: 09171180238





September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending