2–3 minutes

Camp MGen Licerio I Geronimo, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal – Sa patuloy na kampanya ng Rizal Police Provincial Office upang sawatain ang illegal na droga sa Rizal ay inatasan ni PCOL Rainerio M De Chavez, Officer-In-Charge ang kapulisan sa lalawigan na mas paigtingin ang mga operasyon sa Anti-Illegal Drugs at iba pang Police Operation katuwang ang komunidad at iba pang ahensya ng gobyerno upang masugpo at mahadlangan ang pag kalat ng droga Probinsya.

Ngayong araw, ika-13 ng Oktubre taong kasalukuyan ay nag sagawa ng Drug buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Group (PDEG), Provincial Intelligence Unit (PIU) katuwang ang Tanay Municipal Police Station sa Bonifacio St. Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal bandang alas 3:15 ng madaling araw upang masakote ang mga indibidwal na inginuso ng impormante na nag papalaganap ng droga sa nasabing munisipalidad. Ang target ng operasyon ay mahuli ang dalawang tinaguriang High Value Individual (HVI) o ibig sabihin ay malalaking isda sa bentahan at pagpapalaganap ng shabu.

Nag resulta ang operasyon sa matagumpay na pagkakadakip ng mga suspek na kinilalang sina alyas ‘Zargo’, lalaki, 38, drayber at alyas “Mary Jane”, babae, 33, parehas residente ng Bonifacio St. Brgy. Tandang Kutyo, Tanay Rizal at nabibilang sa listahan ng HVI sa Drugs Watchlist ng Rizal PPO. Habang si alyas “Obet”, lalaki, 49, naninirahan sa Dalig-uno, Brgy Dalig, Antipolo City at alias “Alamat”, lalaki, 30, nakatira sa Sitio Payong sa parehas na lugar kapwa nasa listahan ng Rizal PPO sa Drug Watchlist bilang Street Level Individual (SLI).

Nakumpiska sa kanilang posesyon ang 7 plastic sachet at 1 knot-tied ice bag na nag lalaman ng hinihinalang Shabu na may timabang na 111 ng gramo na may kabuuang halaga na PHP754,800.00.

Dinala ang mga suspek at nakumpiskang ebidensya sa Rizal Provincial Forensic Unit, Hilltop, Taytay, Rizal upang maproseso at maisalang sa Drug Testing Examination ang mga suspek. Pagkatapos nito ay dadalahin sila sa Tanay MPS upang makulong habang haharapin naman nila ang paglabag sa Republic Act No. 9165 Article II Section 5 & 1.

Makasisigurado po kayo na ang ganitong tagumpay ng Rizal PNP ay mag papatuloy katuwang ang komunidad sa pagsugpo ng illegal na Droga sa lalawigan ng Rizal. Maituturing na malaking dagok ito sa supply ng Droga sa ating Probinsya. Nais ko ding bataiin ang ating mga kapulisan sa kanilang sipag at dedikasyon sa trabaho. –PCOL De Chavez
############
Piorizalppo


Contact #: 09171180238





October 2023
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending