1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 46 na personalidad sa One-Day Operational Accomplishments ng Laguna PNP sa pamumuno ni PCOL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO.

Ang One-Day Operational Accomplishments ng Laguna PPO ay isinagawa kahapon, October 18, 2023 sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, illegal gambling at operation against most wanted persons sa buong lalawigan ng Laguna.

Sa kampanya laban sa iligal na droga, nagsagawa ang Laguna PNP ng 13 na operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng 16 katao. Nasamsam sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 14.92 gramo at .5 gramo ng marijuana na may kabuuang halaga tinatayang aabot sa PhP101,516.00.

Apat (4) na operasyon naman ang naitala laban sa illegal number games o mas kilala sa tawag na “bookies” na nagresulta sa pagkaaresto ng apat (4) na katao. Samantala, arestado din ang 12 na mga suspek na sangkot naman sa other forms of illegal gambling tulad ng tong-its at iba’t iba pang uri ng iligal na pagsusugal. Kumpiskado sa mga suspek ang bet money na may kabuuang halaga na PhP2, 859.00.

Sa Manhunt Operations, arestado ang tatlong (3) Most Wanted Persons, isa (1) dito ay Provincial level na may kasong Rape in relation to RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”, dalawang (2) City/Municipal Level na may parehong kasong RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”, habang arestado naman ang 11 Other Wanted Persons.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Ang One-day Police Operations ng Laguna PNP ay mas pinaigting upang tiyakin ang seguridad ng mamamayan. Hangad din ng Laguna PNP na mapanatili ang kaayusan at malayo sa panaganib ang pamayanan “. #gtgilao
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeAndProtect


Contact #: 09171180238





October 2023
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending