1–2 minutes

Arestado ang isang street level individual (SLI) sa ikinasang drugs buy-bust operation ng Calamba PNP kahapon Oktubre 20, 2023.

Kinilala ni Police Colonel HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO ang suspek na si alyas Hasmin residente ng Quiapo, Metro Manila.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba City Police Station nagkasa ang kanilang operatiba ng drugs buy-bust operation kahapon sa ganap na 9:31 ng gabi Oktubre 20, 2023 sa Purok 1, Brgy. Real, Calamba City, Laguna, na nagresulta sa pagkakaresto ni alyas Hasmin matapos magbenta ng hinihinalang iligal na droga sa pulis poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska mula sa suspek ang limang (5) pirasong plastic sachet ng hinihinalang iligal na droga na may timbang na 35 gramo na nagkakahalaga ng humigit kumulang PhP238,000.00, isang coin purse na naglalaman ng PhP600.00 drug money, narekober din sa suspek ang ginamit na buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.” Samantala, ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Regional Forensic Unit (RFU-4A) para sa forensic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Ang suspek na ito ay nagmula pa sa Manila at dumayo pa dito sa Laguna para magkalat ng iligal na droga. Ngunit hindi papayagan ng Laguna PNP ang kanilang mga iligal na transaksyon, dahil walang puwang dito sa Laguna ang mga ganitong uri ng tao. Tinitiyak namin sa ating mga kababayan na mananagot sa batas ang suspek na ito. Hindi namin papayagan na sirain ng mga drug personalities ang buhay ng bawat pamilya lalo na ang buhay ng mga kabataan dito sa Probinsya ng Laguna.” #gtgilao
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



October 2023
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending