1–2 minutes

BATANGAS – Tiniyak ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director, Police Colonel Samson B Belmonte na puspusan ang paghahandang ginagawa para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na gaganapin sa Oktubre 30, 2023.

Kaugnay nito ay 74% ng kabuuang pwersa ng kapulisan ng Batangas ang ipapakalat at itatalaga sa ibat-ibang lugar upang masiguro ang mapayapa at ligtas na pagsasagawa ng halalan. Mayroon ding dagdag pwersa na manggagaling mula sa Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at Philippine Coast Guard.

Samantala, mayroong kabuuang 34 fixed COMELEC checkpoints ang nakatayo sa buong lalawigan ng Batangas, isang checkpoint bawat bayan, na magtatagal hanggang Nobyembre 29, 2023.

Patuloy din ang pagsasagawa ng mga pakikipagpulong ng kapulisan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang maging buo at konkreto ang mga paghahanda sa halalan.

“Ako po ay nananawagan sa publiko na makipagtulungan po sa mga awtoridad upang maging maayos ang ating pagdaraos ng nalalapit na halalan. Makakaasa po kayo na gagawin ng inyong kapulisan ang abot ng makakaya upang mapanatiling ligtas at payapa ang eleksyon ngayong taon.”ito ang apela at pakiusap sa mamamayan ng lalawigan ng Batangas ni PCOL Belmonte.BONG RIVERA




Contact #: 09171180238



October 2023
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending