1–2 minutes

Sa pagsisimula ng araw ng eleksyon ay dumalo muna sa isang banal na misa sa Minor Basilica of St. Martin of Tours (Basilika ni San Martin ng Tours) si Batangas Police Office Provincial Director, Police Colonel Samson B Belmonte ngayong araw, ika-30 ng Oktobre 2023 sa Taal, Batangas.


Ito ang araw na kung saan ang bawat mamamayang Pilipino ay may karapatang bumoto at iboto. Sa panalangin, naniniwala ang ating Provincial Director na walang ibang paraan para simulan ang laban na ito kundi humingi ng pag-gabay sa Panginoon.

Gagabayan niya ang mga magiging pinuno ng barangay para gawin ang tama at naayon sa kaniyang mga salita at bigyan ang ating mga kabarangay ng malinaw na pag-iisip sa pagpili ng leader.


Samantala, sa ngayon ang batangas PNP sa pamumuno ng ating Provincial Director at ang mga nakatalagang Inspection Team ng bawat distrito sa Batangas ay patuloy na nag-iikot upang masigurado ang tahimik at mapayapang BSKE 2023. Bitbit ang gabay mula sa Panginoon ang kapulisan ay patuloy na niniwala na ang kaganapan na ito ay magiging maayos at matahimik. //Edjun Mariposque
###piobatangasppo###
###TeamPIO




Contact #: 09171180238



October 2023
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending