1–2 minutes

Arestado ang Rank No. 10 Most Wanted Person, Provincial Level sa ikinasang joint manhunt operation ng Siniloan Municipal Police Station at PIT LAGUNA-RIU 4A

Kinilala ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas Joseph na residente ng Pangil, Laguna.

Sa ulat ni PMAJ ROBIN L MARTIN, hepe ng Siniloan MPS, nagsagawa sila ng joint manhunt operation kasama ang PIT LAGUNA-RIU 4A laban sa nasabing akusado dakong 5:00 ng hapon ng Nobyembre 1, taong kasalukuyan sa Brgy. Galalan, Pangil, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ni alyas Joseph.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC, Branch 33 Siniloan, Laguna na nilagdaan ni Hon. Marlyn Reyes Agama, Presiding Judge ng nasabing korte ay matagumpay na naisagawa ang pagdakip kay alyas Joseph. Nahaharap ang akusado sa kasong RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Siniloan MPS ang arestadong akusado. Agad namang inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto nito.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Ang aking taos-pusong pagkilala sa Kapulisan ng Siniloan at PIT Laguna-RIU 4A sa matagumpay na operasyong ito laban sa Most Wanted Person ng Lalawigan. Gayundin ang pakikiisa ng mga mamamayan ng Siniloan, Pangil at iba pang karatig-bayan sa pagbibigay impormasyon hinggil dito” #gtgilao
#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending