ni: BONG RIVERA

1–2 minutes

QUEZON-Ganap na ika-3:00 ng hapon ng November 5,2023 malawakan at sabayang isinagawa ang Road Safety Day sa buong Lalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Quezon Provincial Director PCOL Ledon D Monte kasama at kaagapay ang ilang ahensya ng gobyerno na nagmula sa LTO-Quezon, DRRMO,Quezon DPWH,Quezon Highway Patrol Group(HPT), Bureau of Fire Protection (BFP) at mga Traffic Deputized Force Multipliers.

Ang nasabing malawakan at sabayang Inter-Agency Road Safety Day ay tugon upang mabigyang paalaala tungkol sa pag-iwas sa anumang aksidente sa kalsada at makapagbigay babala sa lahat ng wasto at tamang tandaan ng ating mga kakabayan at mga motoristang naglalakbay sa bawat kahabaan ng Maharlika Highway at maging sa ibang lugar sa Lalawigan Quezon.

Sa isinagawang panimula at dry run ay may kabuuang bilang na 428 indibidwal ang nahuli at nabigyan ng kauukulang TOP ticket ng LTO at HPG dahil sa paglabag sa ibat ibang road and traffic safety protocols.

Samantalang nasa 4,113 naman ang naipamahaging leaflets PNP road safety tips bilang paalala sa bawat motoristang nagbibyahe.

Ayon kay PD Ledon ang pagsisimula ng kanilang proyektong Inter-Agency Safety Road Day dry run ay isasagawa nila ng consecutive 6 weeks tuwing araw ng linggo dakong alas 3:00 ng hapon at magtatapos ito ng alas 5:00 ng hapon dito ay kanilang mapagaaralan pa kung ano pa ang dapat nilang idadag sa mga safety protocols at malalaman din nila kung magiging epektibo itong proyekto upang mabawasan ang bilang ng aksidente sa kalsada sa buong probinsya.

Dagdag pa ni Ledon sa kanilang pag aaral at pagmomonitor ay mas mataas ang bilang ng aksidente sa mga pangunahing kalsada sa lalawigan ng Quezon ay tuwing araw ng sabado at linggo.

Sa panayam ng Pilipino Mirror kay PCOL Ledon sinabi nito ang mga katagang “Ang kapakanan at kaligtasan ng ating mga kababayan ay isa sa pangunahin nating isinasaalang-alang hangad at layunin ng Quezon Pulis ang makabuluhan at kaligtasan ng mga motorista sa kanilang paglalakbay.”




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending