1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 23 personalidad kahapon Nobyembre 7, 2023 sa Anti-Illegal Gambling Operations ng Laguna PNP, sa pamumuno ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO.

Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa iligal na pagsusugal ay maigting na pinatutupad ng kapulisan ng Laguna, sa tulong at suporta ng mamamayan lalong lalo na ng mga Barangay Intelligence Network (BIN) sa iba’t ibang bahagi ng Laguna.

Nagsagawa ang Laguna PNP ng anim (6) na operasyon laban sa illegal number games o mas kilala sa tawag na (bookies) na nagresulta sa pagkaaresto ng anim (6) na suspek. Samantala, lima (5) na operasyon naman ang naitala laban sa other forms of illegal gambling na nagresulta din sa pagkaaresto ng 17 personalidad. Nasamsam sa mga arestadong suspek ang halagang PhP8,126.00 na bet-money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units ang mga arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 “An Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Games, Amending Certain Provisions of PD 1602”.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Hindi papayagan ng Laguna PNP na tuluyang malulong sa mga iligal na pagsusugal ang ating mga kababayan, sa pagkakaaresto ng mga suspek na ito ay kailangan nilang panagutan sa batas ang ginawa nilang paglabag dito. ” #gtgilao
#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending