1–2 minutes

Camp Sakay.Los Baños – Naaresto ng pwersa ng 404th A Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 4A sa pangunguna ni PCPT ERIC PAUL M MERCENE at sa pangangasiwa ni PLTCOL AGOSTO M ASUNCION, Force Commander, si alyas “Butaw”/ “Dondon” sa Sitio Balon, Brgy Calawis, Antipolo City Rizal nitong Nobyembre 7 sa kasong Frustrated Homicide sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas at pinirmahan ni Honq. Mohammad Aquil A Tamano, Presiding Judge ng RTC 4th Judicial Region Branch 77 sa San Mateo Rizal noong Oktubre 24, 2023.

Si alyas “BUTAW” o “DONDON” ay isang milisyang bayan na naging kasapi ng grupong Guerilla Front Narciso taong 2017. Siya ang naging utusan ng grupo upang magsagawa ng mga opensiba laban sa gobyerno. Sinasabing si BUTAW ay isa sa nagsagawa ng pananambang sa mga sundalo ng 80IB,2ID noong Marso 26, 2022 sa Brgy Puray, Rodriguez, Rizal.

Ang pinagsamang operasyon ng RID4A, RIU4A, RPMFC Rizal, PIU Rizal, Antipolo CPS, Pasig CPS, Caloocan CPS, CIDG-Rizal, 34th SAC 3rd SAB, 80IB, 2ID, JITU Sierra Madre at BISG-NCR. ay nagresulta ng pagkakaaresto sa nasabing personalidad. Ang pagkahuli kay BUTAW ay isang hakbang tungo sa pagkakaroon ng tunay na kapayapaan.

Nagpahayag si PLTCOL ASUNCION ng isang katuparan na makaaasahan ang publiko na hindi titigil ang kapulisan ng RMFB4A sa pagsugpo ng mga teroristang ito upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan hindi lamang sa probinsya ng Rizal kundi sa buong rehiyon. “Tulungan ninyo kaming hikayatin ang mga natitirang aktibong miyembro ng komunistang teroristang grupo na bumalik na sa gobyerno at makipagtulungan sa mga kapulisan at iba pang ahensya ng gobyerno” dagdag pa ni PLTCOL AGOSTO M ASUNCION. (Pau Dela Cruz)




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending