1–2 minutes

Isang magnanakaw ang nahuli ng kapulisan ng Batangas City Police Station noong 3:50 ng madaling araw ng Nobyembre 12, 2023 sa Barangay Malitam, Batangas City matapos niyang looban ang bahay ng biktima na kinilala bilang si Eric John Holgado, isang pulis na nakadestino sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, kinilala ang suspek na si alyas “Dave”, residente ng Batangas City.

Batay sa imbestigasyon, bandang 3:30 AM ng kaparehas na petsa ay nilooban ni alyas Dave ang bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagsira ng padlock ng pintuan sa likuran ng bahay at nagnakaw ng 2 wrist watch. Naaktuhan naman ng biktimang pulis ang pangyayari kaya agad na tumakas ang suspek. Hindi rin nagtagal at nahuli ng pulis si alyas Dave at nabawi ang 2 relong ninakaw.

Kasalukuyang namang nasa kustodiya ng Batangas City Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

“Tayo pong lahat ay magdoble ingat dahil hindi natin alam kung anong oras sasalakay ang mga kawatan. Ngunit kahit ganoon pa man, makakaasa po kayo na mas paiigtingin pa ng kapulisan ang pagpapatrolya sa ating komunidad para maiwasan ang mga ganitong pangyayari.”– PCOL BELMONTE
###piobatangasppo###
###TeamPIO




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending