1–2 minutes

Camp Gen. Miguel C Malvar – Huli ang isang Street Level Individual na tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng Municipal Drug Enforcement Team ng Padre Garcia Municipal Police Station noong 10:10 ng gabi ng Nobyembre 14, 2023 sa Barangay Cawongan, Padre Garcia, Batangas.


Kinilala ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte ang suspek bilang si alyas Ariel, residente ng nasabing bayan. Nahuli ang suspek matapos itong magbenta ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska mula sa suspek ang apat na heat sealed transparent sachet na naglalaman ng 3.96 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P27,324.00. Nakuha din sa suspek ang isang kalibre .38 na baril at limang piraso ng bala.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Padre Garcia MPS ang suspek at humaharap siya sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 (Omnibus Election Code).


“Ang pagkakakumpiska ng ganitong armas ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan upang hindi na magamit pa sa mga ilegal na aktibidad. Patuloy din po ang ating paalala sa publiko na ipagbigay alam sa mga awtoridad ang mga impormasyon hinggil sa bentahan ng ilegal na droga.” – PCOL BELMONTE
###piobatangasppo###
###TeamPIO




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending