1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 20 most wanted at wanted persons (MWPs) sa isang araw na manhunt operations ng Laguna PNP nooong Nobyembre 14, 2023.

Kabilang sa naarestong mga akusado ang tatlong (3) MWPs, Regional level, na kinalala na sina Alyas Duke, Philip, at Wendel na pareparehong nahaharap sa mga kasong Statutory Rape at Rape, dalawang (2) MWPs, Provincial level, na may mga kasong Theft at Statutory Rape, at dalawang (2) MWPs, City/Municipal level, na nahaharap naman sa kasong Frustrated Homicide at Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”.

Bukod sa mga naarestong Most Wanted Persons ay nadakip din ang 13 na other wanted persons sa nasabing manhunt operations ng Laguna PNP.

Ang mga arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units. Samantala, ang mga korteng pinagmulan ng warrants of arrest ay agad namang inimpormahan sa pagkaaresto ng mga akusado.

Sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Patuloy na pinaiigting ng Laguna PNP ang mga operasyon laban sa mga nagtatago sa batas upang bigyan ng agarang hustisya ang mga nagiging biktima, tinitiyak namin sa mga pamilya ng mga biktima na mananagot sa batas ang mga akusadong ito.”

Patuloy ang Laguna PNP sa pagtugis sa mga lumalabag sa batas upang protektahan ang komunidad laban sa mga kriminal. #gtgtalampas
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending