1–2 minutes

Napasakamay ng mga awtoridad ang isang babaeng tulak ng droga sa ikinasang buy-bust ng Office of the Provincial Director – Drug Enforcement Unit kasama ang mga operatiba ng Batangas City Police Station noong 10:30 ng gabi ng Nobyembre 15, 2023 sa Barangay Alangilan, Batangas City.


Sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, kinilala ang suspek bilang si alyas Lovely, residente ng Muntinlupa City.
Hinuli ang suspek matapos itong magbenta ng ilegal na droga sa pulis na nagpanggap na buyer. Nakumpiska mula kay alyas Lovely ang dalawang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 50 grams at may Standard Drug Price na P340,000.00. Nakuha rin kay alyas Lovely ang isang coin purse, cellphone, shoulder bag, at mga pera.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Batangas Police Provincial Office ang suspek para sa kaukulang disposisyon.
“Atin pong patuloy na lalabanan ang salot na ilegal na droga sa ating lipunan. Kaisa niyo po ang Batangas Police Provincial Office sa aming adhikain na gawing drug-free ang Probinsya ng Batangas ”– PCOL BELMONTE
###piobatangasppo###
###TeamPIO




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending