1โ€“2 minutes

Camp BGen Guillermo Nakar, Lucena City โ€“ Sa patuloy na hangarin ng Quezon Pulis na masawata ang lahat ng uri ng iligal na droga sa lalawigan, labin-isang (11) magkakahiwalay na buy-bust operation ang ikinasa ng Quezon PNP na nagresulta sa pagkakaaresto ng labin-limang (15) drug supects sa loob lamang ng isang araw na operasyon (Nobyembre 18, 2023).

Ayon kay PCOL LEDON D MONTE, Provincial Director ng Quezon PPO, ang mga nahuling suspeks na sina @Andrei, @Randy, @Barry, @Robic @Mark, @Alex, @Dibbhe, @Buwaya, @Garry, @Eldon, @Loi, @Zeus, @Kevin @Biloy at @Gorio ay kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ang matagumpay na pagkakahuli sa mga suspek ay naganap sa bayan ng Macalelon, Pitogo, Calauag, San Antonio, Real, Tiaong, Infanta, Catanauan at Pagbilao. Samantala, dalwang magkahiwalay na operasyon naman ang naitala sa siyudad ng Lucena.

Sa kabuuan, 27.25 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspeks at ito ay nagkakahalaga ng PHP 554,736.00 (streetvalue).

Pinuri ni PCOL MONTE ang mga operatiba sa pagkakahuili sa labin-limang suspek. Aniya, โ€œAng Quezon PNP ay hindi titigil sa pagkakasa ng operasyon at mga inisyatibo upang mahuli ang mga drug pusher at user sa buong lalawiganโ€.

Kanya ring binigyang diin na bukod sa anti-criminality operations, mas pinapaigting rin ng Quezon PNP ang pagbibigay ng impormasyon at kamalayan sa miyembro ng komunidad lalong-lalo na sa mga kabataan sa masamang dulot ng illegal na droga. #EdjunMariposque

(Source: Quezon PNP-PIO)




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending