1–2 minutes

Naaresto ang tatlong kababaihan sa ikinasang drug buy-bust operation ng Taytay MDET sa kahabaan ng Fermina St., Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal noong Nobyembre 18 taong kasalukuyan.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon bandang 9:55 ng gabi na nagresulta sa pagkakahuli ng tatlong indibidwal matapos na magbenta ito sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer. Ang mga naaresto ay kinilalang sina:
1. Alyas Audrey, 38-taong gulang, nakatira sa Pasig City
2. Alyas Lyn, 45-taong gulang, nakatira sa Brgy. Sta Ana Taytay, Rizal at;
3. Alyas Jenny, 50-taong gulang, nakatira sa Brgy. Sta Ana Taytay, Rizal

Gayundin, sa nasabing operasyon ay narekober at nakumpiska mula sa mga suspek ang 5 ng pakete na naglalaman ng white crystalline substance ng hinihinalang SHABU na may timbang na humigit kumulang 90 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng PHP 612,000,00., 1 pouch, 2 piraso ng 1000 peso bill (buy-bust money) 2 piraso ng recovered money na nagkakahalaga ng PHP 1000.00 at PHP 500.00

Samantala, kasalukuyang nakapiit ang mga naarestong suspek sa Taytay Custodial Facility na nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa pahayag ni PCOL FELIPE MARAGGUN, Provincial Director ng Rizal PPO, aniya na ang kapulisan sa Rizal ay hindi titigil sa pagpuksa ng mga masasamang aktibidad partikular sa mga iligal na droga na siyang sumisira sa kabuhayan ng mamamayan sa Rizal. Patuloy ang Rizal PNP sa pagganap ng tungkulin upang maibigay ang isang bayan na maayos at ligtas sa anumang uri ng kriminalidad.




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending