1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 31 na personalidad sa One-Day Anti-Criminality Operation ng Laguna PNP sa pamumuno ni PCOL HAROLD P DEPOSITAR, Acting Provincial Directo, Laguna PPO.

Ang One-Day Operational Accomplishments ng Laguna PPO ay isinagawa kahapon, Nobyembre 22, 2023 sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, illegal gambling at operation against most wanted persons sa buong lalawigan ng Laguna.

Sa kampanya laban sa iligal na droga, nagsagawa ang Laguna PNP ng 16 na operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng 18 na katao. Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa higit kumulang na 48.37 gramo ng hinihinalang shabu at 1.25 gramo ng marijuana na may kabuuang halaga tinatayang aabot sa PhP333,903.00

Walong ( 8 ) operasyon naman ang naitala laban sa illegal number games o mas kilala sa tawag na “bookies” na nagresulta sa pagkaaresto ng siyam (9) na katao. Samantala, arestado din ang 20 katao na sangkot naman sa others forms of illegal games tulad ng pusoy, tong its at cara y cruz. Kumpiskado sa mga suspek ang bet money na may kabuuang halaga na PhP7,576.00.

Sa Manhunt Operations, arestado ang limang (5) Most Wanted Persons, dalawa (2) dito ay Regional level na may kasong Murder at RA 11930 Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act Lascivious Conduct under Section 5 (B) of RA 7610 and Acts of Lasciviousness under Art. 336 of the RPC in rel. to Sec. 5 (B) of RA 7610, isang (1) Provincial level na nahaharap sa kasong Rape at dalawang (2) City/Municipal Level na may mga kaso namang paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Homicide habang arestado naman ang siyam (9) Other Wanted Persons.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Pinaigting pa ng Laguna PNP ang operasyon laban sa krimenalidad upang mahuli ang lahat ng lumalabag sa batas. Ito ay paraan ng Laguna Pulis upang matiyak ang seguridad, kaayusan at katahimikan ng mamamayan sa lalawigan ng Laguna”. #gttalampas
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeAndProtect




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending