1–2 minutes

Arestado ang dalawang suspek sa pagtutulak ng shabu sa buy-bust operation na ikinasa ng Drug Enforcement Unit Batangas Police Provincial Office at ng Batangas City Police Station noong 9:10 ng gabi ng Nobyembre 23, 2023 sa Alangilan, Batangas City.


Ayon sa ulat ni Batangas PPO Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, kinilala ang dalawang suspek bilang sina alyas Emat at si alyas Ramil pawang mga residente ng Batangas City.


Nasabat mula sa kanila ang tatlong pirasong big heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng 85 gramo ng shabu na nagkakahalagang P578,000. Humaharap sila sa kasong paglabag sa kasong Section 5, Article 2 ng RA 9165.


“Muli po, nakahuli tayo ng malakihang supply ng droga. Sa pakikipagtulungan po ninyo sa mga kapulisan ay nagiging possible ang mga ganitong accomplishments. Muli, tayo’y magkaisa sa pagsupil sa salot ng lipunan.”– PCOL BELMONTE #piobatangasppo #TeamPIO #Edjun Mariposque




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending