1–2 minutes

𝗡𝗼𝘃𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟯. Malawak na nagsasagawa ang Quezon Pulis ng mga police operations upang patuloy na masugpo ang ilegalidad ng droga. Ika- 2:50 ng hapon ngayong araw, 𝗮𝗿𝗲𝘀𝘁𝗮𝗱𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 (𝟮) 𝗵𝗶𝗴𝗵-𝘃𝗮𝗹𝘂𝗲 𝗶𝗻𝗱𝗶𝘃𝗶𝗱𝘂𝗮𝗹𝘀 𝗻𝗮 𝘁𝘂𝗹𝗮𝗸 matapos mahulihan ng drogang may halaga ng 𝗣𝗛𝗣 𝟰𝟭𝟬,𝟬𝟰𝟬.𝟬𝟬 at may timbang na 20.1 gramo sa isinagawang sanib-pwersang drug buy-bust operation sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.

Ayon kay 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗣𝗖𝗢𝗟 𝗟𝗘𝗗𝗢𝗡 𝗗 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗘 kinilala ang dalawang suspek na sina 𝗮𝗹𝘆𝗮𝘀 𝗔𝗱𝗼𝗻𝗴, 38 taong gulang, residente ng Brgy. 8, Lucena City at 𝗮𝗹𝘆𝗮𝘀 𝗞𝗲𝘃𝗶𝗻, 20 taong gulang, residente ng Brgy. Ilayang Iyam, Lucena City; pawang listadong High Value Individual Drug Suspects at mayroong previous drug case records.
Sa kasalukuyan, sila ay nasa kustodiya ng Lucena PNP Custodial Facility upang sumailalim sa dokumentasyon at proseso batay sa kanilang kasong kakaharaping paglabag sa Sections 5 and 11, Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

“Walang humpay ang ating pinalawak na mga police operations kontra droga at masasamang dulot nito dahil ang Quezon Pulis ay pangunahing binabantayan ang katahimikan at seguridad laban sa mga tulak at banta kaligtasan ng ating pamayanan.” 𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗶 𝗣𝗗 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗲. #EdjunMariposque

𝗦𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲: 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗡𝗣-𝗣𝗜𝗢

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending