1–2 minutes

𝗡𝗼𝘃𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟰-𝟮𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟯. Quezon Pulis muling naglatag ng 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 (𝟭) 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝘁𝗶-𝗶𝗹𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗱𝗿𝘂𝗴 𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀. 𝗣𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗮𝗼 ang naaresto sa pinaigting na inilatag na anim (6) na magkakasabay at sanib-pwersang drug buy-bust at search warrant operation sa bayan ng Lucena City, Macalelon, Lucban, Dolores, Atimonan, at Candelaria, Quezon.

Ayon kay 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗣𝗖𝗢𝗟 𝗟𝗘𝗗𝗢𝗡 𝗗 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗘 napagkilanlan ang mga arestadong drug suspects na sina; @Jonard, @Ronnie/Onnie, @Tonton, @ Emmanuel/Eman, @Darwin, @Jeffrey, at @ ALEX/XANDER na kasalukuyan ay nasa kustodiya ng mga responsableng Police Stations Custodial Facility upang sumailalim sa dokumentasyon at proseso batay sa kanilang kasong kakaharaping paglabag sa Sections 5 and 11, Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Sa kabuuang datos ng nakumpiska shabu sa mga suspek ay mayroon halaga na street value na 𝗣𝗵𝗽 𝟭𝟵𝟯, 𝟱𝟵𝟲.𝟬𝟬 at timbang na 𝟵.𝟰𝟵 𝗴𝗿𝗮𝗺𝗼.

Ipinahayag naman ni 𝗣𝗗 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗲 ang pasasalamat sa bawat kapulisang tumutugon sa masinsinang direktibang kampanya kontra ilegal na droga. Aniya “Ang pagsupil sa mga tulak at user ng drugs ay patuloy nating gagawin upang ang ating mga kabataan ng Quezon ay malayo sa salot na droga. Makakaasa kayong gagawin nating ligtas ang ating mga kababayan at tahimik ang ating pamayanan.” ###

𝗦𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲: 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗡𝗣-𝗣𝗜𝗢

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON
#Edjun Mariposque




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending