1–2 minutes

Camp BGen Paciano Rizal, Sta Cruz, Laguna – Nasamsam ng kapulisan ang PhP380,000.00 halaga ng hinihinalang shabu sa drug buy-bust operation sa Cabuyao City, Laguna noong Biyernes, November 24.

Kinilala ni PCOL HAROLD P DEPOSITAR, Acting Provincial Director, Laguna PPO, ang suspek na si alias Paul, 43 years old, residente ng Cabuyao City, Laguna.

Ayon sa report mula sa Cabuyao Component City Police Station (CCPS), naaresto nila ang suspek matapos itong maaktuhang magbenta ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isang undercover police officer sa isinagawang drug buy-bust operation dakong 7:05 ng hapon sa Brgy. Sala, Cabuyao City, Laguna.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 55 gramo at tinatayang halaga na PhP 380, 000.00, isang (1) unit ng black-colored cellphone, at isang (1) unit ng color blue Honda click motorcycle without plate number. Narekober din sa suspek ang isang (1) authentic na one-thousand-peso bill at walong (8 ) piraso ng one-thousand-peso bill boodle money na ginamit sa buy bust operation.

Isasailalim ang suspek at mga ebidensiyang nakumpiska sa drug at laboratory tests sa Regional Forensic Unit (RFU)-4A, Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna habang inihahanda ang mga document para sa pagsasampa ng kaso ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Ang tagumpay na ito ay patunay sa dedikasyon ng ating mga kapulisan sa paglaban sa iligal na droga. Ang operasyong ito ay resulta ng masigasig na pagtutulungan ng mga kapulisan sa ating lungsod, at patuloy naming ipinapangako ang aming determinasyon na masugpo ang ganitong uri ng krimen. Patuloy naming paiigtingin ang aming mga hakbang laban sa mga sangkot sa ilegal na droga, alinsunod sa batas, upang masiguro ang kaligtasan at katahimikan ng ating komunidad.” #gtgtalampas

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#Edjun Mariposque




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending