By: Sheila Florentino

1–2 minutes


Patay ang isang Taiwanese National matapos pagbabarilin sa kilala at dinarayong Youtofu Restaurant, San Pablo City, Laguna kaninang 7:03 ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Hsien Chieh Chang, male, 63 years old, married, nakatira sa Brgy. Del Remedio San Pablo City.

Habang nakatayo ang biktima sa labas ng receiving area ng kanyang Restaurant ay may dumating na magkaangkas sa motor at nagpakilalang magde deliver ng LPG nang biglang binaril ng suspect sa kaliwang pisngi ang Taiwanese.
Ang 2 suspect na di pa nakikilala, driver na nakasuot ng blue longsleeve, black
lower garments, slippers at black helmet at ang bumaril/back ride ay nakasuot ng
Black Jacket, Maong pants, white Shoes at color Red Helmet ankas sa Honda TMX
MC color Black na walang Plate na nakakabit.

Agad isinugod ang biktima sa SPC District Hospital ngunit deneklarang patay na siya ng dumating.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang kapulisan ng San Pablo City na naglagay na ng dragnet at back tracking sa mga CCTV na maaring dinaanan ng mga suspect.




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending