1–2 minutes

Camp BGen Paciano Rizal, Sta Cruz, Laguna – Arestado ang tatlong suspek sa drug buy-bust operation ng Pulis San Pedro kahapon, November 25, 2023.

Kinilala ni PCOL HAROLD P DEPOSITAR, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alias Tone, 33 years old, alias Octavio, 42 years old na pawang mga residente ng San Pedro City, Laguna at alias Roy 42 years old na resisdente naman ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat ng San Pedro Component City Police Station (CCPS), nagsagawa sila ng drug buy-bust operation laban sa mga suspek dakong 6:20 ng umaga noong Nobyembre 25, taong kasalukuyan sa Brgy. Nueva, San Pedro City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek matapos magbenta ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu kapalit ang buy-bust money sa isang undercover police officer na nagpanggap bilang poseur buyer sa isinagawang operasyon.

Nasamsam sa mga suspek ang limang (5) sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 1.80 gramo at tinatayang may halagang nasa PhP12,420.00, isang (1) coin purse, apat (4) na pirasong PhP100.00 at isang (1) PhP500.00 na ginamit bilang buy-bust money.

Samantala, sasailalim ang mga suspek at mga kumpiskadong ebidensiya sa drug at laboratory tests sa Regional Forensic Unit (RFU)-4A, Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Pinapaalalahanan ko at binibigyang babala ang ating mamamayan na wag ng tangkain na masangkot o subukan ang iligal na droga, dahil walang magandang maidudulot ito kundi panganib at pagkakabilango.” #gtgtalampas
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending