1–2 minutes

Sa Angono, Rizal, isang lalakeng tinaguriang Most Wanted Person No. 8 Regional Level 4A na kinilalang si Alyas Yoyo, 28 at Angono, Rizal ang nadakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong panggagahasa na walang inirekomendang piyansa para sa kanya.

Samantalang sa Taytay, dalawang indibidwal na kabilang sa Other Wanted Person ang nadakip. Kinilala ang mga suspek na si alyas Inis, 34, at residente ng Brgy. Sta. Ana na may kasong paglabag sa Municipal Ordinance. Habang si Ayas Bea, 47, residente ng Brgy. San Isidro ang naaresto sa kasong Attempted Estafa.

Sa Lungsod naman ng Antipolo, 3 personalidad ang nadakip. Isa dito ay tinaguriang Most Wanted Person City Level na kinilalang si alyas Arky, 28 at residente ng Bry Dalig. Siya ay naaresto sa kasong paglabag sa Iligal na Sugal o P.D. 1602. Habang dalawa ay kabilang sa Other Most Wanted Person. Si alyas jo, 56, residente ng Brgy. Mayamot at si Alyas June, 66, Brgy Cupang para kasong Unjust Vexation.

Pinaalam sa mga naaresto ang kanilang mga karapatan at kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga himpilan ng pulisyang nakadakip sa kanila. #Edjun Mariposque

SerbisyongNagkakaisa

ToServeandToProtect

PNPPATROLPLAN2030




Contact #: 09171180238



December 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending